Friday, July 18, 2008

  • Fixations and some other thought.

    "I'll always protect you"

    Heart melting no?

    May tinanong ako dati:

    Ako: Bakit mo ako nagustuhan? E ang taray ko nga eh tas gusto mo pa din ako.

    Siya: Yun nga yun eh. Ibig sabihin, kaya mo pagtanggol ang sarili mo kahit wala ako.

    Na-touch ako nun. Siya rin yung taong nagsabi ng quote sa itaas. Pero naisip ko dati na pano kung dumating yung panahon na wala siya sa tabi ko at reresbakan ako ng mga masasamang loob? Sabi ko sa kanya mag-aaral ako ng taekwando. Pero di natupad yun. Kaya hanggang ngayon, vulnerable pa rin ako.

    --ooOoo--

    So ano na naman ba ang pumasok sa utak ko at consecutive days na naman akong nagblo-blog? Haha! Masaya kasi ako nitong huling 2 araw. Akin na lang yun kung bakit. Ang spies, ang spies! Lol.

    Ang blog na ito ay inspired ng last lecture kanina ni Ms. Tapnio. Nice. Inspired ang lola mo.

    Yung lectures niya kasi kanina e tungkol sa mga ugali/gawain ng mga bata. You know: newborn, infants, toddlers, preschools, school aged at adolescents (?). Na-realize ko, andami ko palang fixations! Ang fixations nga pala e yung mga bagay na dapat na-overcome mo na sa isang stage ng buhay mo pero ngayon e daladala mo pa rin at patuloy na ginagawa, UNCONSCIOUSLY. Examples:

    INFANCY = ORAL STAGE - ibig sabihin, focal point of pleasure nila is the mouth.

    Example ng fixation: nail biting, cigarette smoking, kinakagat ang takip ng ballpen.

    At ang FIXATIONS ko ay:

    • Moro reflex - yung mga newborn (0-28 days), kapag na-move yung bassinets nila ay magugulat. Ako, konting stimuli lang, magugulat.
    • Fear of mutilation - yung mga pre-school (3-5 years)ang karaniwang takot dito. Naalala mo ba nung bata ka? Kapag nasugatan ka, tatakutin ka na may lalabas na pari/tren/kanin o ng kung anu pa man jan sa sugat mo. Ako, takot tumawid. Tumatakbo ako kahit malayo pa yung sasakyan. Ayoko kasi sa lahat e yung nababangga. Feeling ko ang panget kung magkakalasog-lasog ang katawan ko. Ampanget ko sa kabaong kung nagkataon. Tsk tsk tsk.
    • Egocentric - yung mga pre-school, madadamot. Ako, konti lang. Haha!
    • Industry vs. Inferiority - yung mga school aged (6-12 years) mahilig sa competition. Yung tipong gusto laging mataas yung grades, nade-depress pag bagsak sa QUIZ. Ako, yun. Haha! Quiz lang nabagsak ko, depressed ang lola mo.
    • Initiative vs. guilt - yung mga pre-school, guilty na guilty kapag may mga bagay silang hindi ginawa na dapat eh ginawa nila. Tulad ng pag-pray. Kapag nakalimutan nila gawin yun at nagkasakit sila, sisisihin nila ang sarili nila. Ako, ganun. KAYA AYOKO NG RESPONSIBILITIES. Nagi-guilty ako kapag hinahatak o nahatak ko pababa ang kasama ko. Ayoko ng pabigat ako o ako yung dahilan kung bakit ganito o ganyan.
    • Security object - yung mga toddlers (1-3 years) hindi nakakatulog pag wala ang kanilang stuff toy/favorite blanket/favorite pillow etc. Ako, pag wala yung hotdog ko na unan na nasa akin na for almost 14 years, nahihirapan akong matulog.
    • Ritualistic behavior - yung mga toddlers, paulit ulit. Yung tipong hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi nila gagawin ang isang bagay. Ako, internet. Lol.

    Yun pa lang naman ang na-identify kong fixations ko. Haha! Andame. Lol.

    P.S.

    Parang naisip ko, ang layo ng koneksyon ng unang thought ng blog na ito sa huling parte. Hahaha!

    Pero infairness. Nangi-ngiti ako kanina habang naglalakad pauwi. Hihihi.

    Para sa isang tao jan: Wag ka masyadong pahalata. Nahahalata ko eh. Hahaha! Alam ko namang concerned ka kanina. Lol. Sige, kikiligin ako para sayo. Hahaha!

    *Ang landi ng blogger na ito. Hahaha!

    <edit>

    Isa pa plang fixation:

    • Animism - yung mga pre-school, feeling nila lahat ng bagay eh may buhay. Yung tipong nakakapagsalita ang lapis at nagsasayaw ang mga manika kung gabi. Ako, feeling ko nakikipagusap sa akin yung pritong isda kapag kakainin ko na siya. Yung tipong "Wag mo kong kainin!" kapag yung parteng ulo ang ibinibigay sa akin pag isda ang ulam. Kaya tiyan lagi ang kinakain ko. Nakakaawa rin kasi tignan kapag ulo eh. Hahaha! Tas nung magpapa-rebond na ako, parang narinig kong sinabi sa akin ng buhok ko na "Wag na! Masakit eh!" ANG WEIRDO. Hahaha!

    </edit>

Comments (4)

  • Truncated

    ahhahaha. uo nga naman, wg masyadong pahalata. o kaya sabihin mo na kc ung nararamdaman mo sa blogger na ito!.


    mukhang marami din ata akong fixations ah. kala ko mga nail biting at sucking of thumb lng. un pala marami pla.

  • pReTTy_rAeCheLLe

    @Truncated - oo nga diba? sabihin na kasi! alam namn niyang hindi ako assuming na tao eh! sinabe ko sa kanya na hangga't hinde sinasabi, hindi ako naniniwala! hahaha!


    uu nga eh. feeling ko nga tingin ng mga tao saken tuloy isip bata dahil sa fixations ko. lol. =)

  • lakwacherangpilipina

    hindi ko masyadong naisip na isip bata ko.. mejo natakot lang ako nung parang narinig mo na nagsasalita yung buhok mo kse parang iba na yun eh.. hehe.. joke lang..


    random props :)

  • pReTTy_rAeCheLLe

    @lakwacherangpilipina - hahaha! weird nga. muka nga daw ako tanga nung sinabe ko yun sa nanay ko eh. haha! parang naisip ko lang kasi na baka magtampo yung buhok ko or anything. lol. hahaha!


    thanks for the props! at buti napadaan ka sa page ko! hehe. =)

  • Choose Identity

  • Give eProps (?)

  • New! You can now edit your comments for 15 minutes after submitting.

Who recommended?

Who gave the eProps?